Bathala
Joey Ayala at ang Bagong Lumad
Intro: Am--
Am
Bathala
Dm
Likha ninyo ang bawat bagay sa mundo
G
Lupang kayumanggi't luntiang bukirin
Am
Alat ng dagat at tamis ng hangin
Am
Bathala
Dm
Ang bawat bagay na nagmula sa Inyong palad
G
Ay may tungkulin sa mundong kinagisnan
Am
Sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang
C
Ang tao
Am
Inyong hinugis at pinaahon sa lupa
F
Pinagkalooban ng talino at diwa
E Am
Upang mundo'y ipagyaman
Am
Talino
Dm
Naging ararong nagpaamo sa parang
G
Naging kumpit na sumagupa sa karagatan
Am
Naging apoy na nagpalayas sa karimlan
Am
Sagana
Dm
Sa kayamanan ang mundong Inyong likha
G
At may bahagi rito ang bawat nilalang
Am
Kung susuyuin lang mula sa kalikasan
C
Subalit
Am
Buhay-dalisay ay di sapat sa iilan
F
Sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman
G E Am break
Ganid ng diyos ang sinamba
(Bb)
Pinaghahati-hatian po nila ang lupa
Karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na
Kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan
Walang makaliligtas sa kanilang karahasan
Kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya
Subalit ang lumilitaw ay 'sang panggagahasa
Adlib: Am-Dm-G-Am-
C
Bathala
Am
Ako'y hinugis Niyo't pinaahon sa lupa
F
Ang aking buhay ay dito nagmula
G C G
At dito rin inaalay
C
Bathala
Am
Bigyang-lakas itong Inyong tanod-lupa
F
Upang umiral sa mapagsamantala
G C G
Panalangin ko'y dinggin sana, harinawa
C
Bathala
Coda: Bb-